
CLEANERS: Orthodoxy Clothed in Play
Mike Rapatan
Director-writer Glenn Barit’s Cleaners recreates his high school days in class IV-Rizal in 2008 Tuguegarao, Cagayan. This likeable regional film presents a series of mini-stories featuring a motley group of assigned classroom cleaners composed of reluctant gardener Stephanie (Ianna Taguinod), class president Angeli (Gianne Rivera) and the skateboard-fixated EMO boys (Leomar Baloran, Julian Narag, Carlo Mejia), lovers Britney (Charisse Mabbonag) and Francis (Allan Gannaban), and Sangguniang Kabataan (SK) candidate, and Junjun (Andrei Marquez). These main characters played by local non-actors undergo challenges that typify the irreverent and volatile life adolescents experience.
Barit organizes his film around four events (Nutrition Month and Buwan ng Wika celebrations, Prom, and SK) and bookends them with Unang Linggo at the start where he introduces the main cast in their cleaning routines and Huling Araw at the end where the characters vent all their angst in a collective howl and rage. The four main episodes share a common plot structure – a character first experiences a personal conflict which may be embarrassing (e.g., Stephanie’s diarrhea and Francis’ uncut condition), hurtful (e.g., Angeli’s sprain) or shameful (e.g., Britney’s pregnancy and Junjun’s complicity in a best friend’s loss of property). For some of these characters, their predicament is complicated by being at odds with their middle-class private school’s Catholic identity and values. Britney’s pre-marital pregnancy becomes cause for expulsion and Junjun’s parents’ double-standard conduct shakes his conscience. Instead of being weakened or unhinged by these dilemmas, a character after a period of struggle emerges changed for the better. With some of them, the recovery is fortuitous such as in the cases of Stephanie (her discomfort unwittingly becomes productive) and Angeli (her accident leads to closer ties with the EMO boys). On the other hand, the shift is deliberate, a product of self-reflection – Francis realizes masculinity is about showing compassion and Junjun makes amends with his buddy, Carlos, after witnessing his parents’ unscrupulous tactics. Whether consciously or unconsciously designed by Barit, these outcomes channel a subtext of providence and redemption echoing the Catholic ethos of St. Agnes, the characters’ school. Pain then is a catalyst. Even if the characters go on a rampage at the end, Barit’s closing shots of cleaning and lining up classroom chairs indicate a restoration of order and suggest that the archetypal cycle of suffering, purification and rebirth will continue with a new batch.
This is an orthodox view but it is conveyed with much playfulness by Barit’s unconventional technique of shooting all scenes then doing an offline cut set at eight frames per second. A process of printing, photocopying, highlighting, and assembling of the shots followed (kudos to the patient editing of Noah Loyola and Che Tagyamon assisted by an army of volunteer highlighters). This resulted in a noticeable flicker in the film’s scenes. The effect evokes a reminiscing of fun times in the past tinged with a sober understanding of lost youth. The predominant black and white frames where only the cleaner characters are tinted in varying shades aptly depict an insulated, contrived and homogenized environment. In the end, these frames crack with strips of color and explode into a kaleidoscope of shimmering hues heralding the characters’ blossoming and transit to adult life.
Barit’s experimentation points to fresh directions for regional cinema. Through his incorporation of regional music in the soundtrack (i.e., Cagayan Hymn and “Pulis Ibanag” by EMILY’s Band) and shooting the stories in his hometown and alma mater (St. Louis University High School), Barit pays tribute to his geographic roots. But his self-awareness of his milieu is not static. One detects in this work an effort on his part to tongue-in-cheek interrogate his province’s norms, traditions and conservatism and negotiate contemporary forms of expression, representation and cultural engagement. Like the harmonious interplay of indigenous instruments and synthesized music in the film’s opening track (taken from a minus one version of Edru Abraham’s Kay Sarap Mabuhay sa Bayang Payapa), Barit charts unique paths for creating a rocking synergy of the vernacular and the digital.
Tragi-komiko-musikal na kabataang subkultura ng rehiyonal na sinema
Rolando B. Tolentino
Markado ang 2019 bilang patuloy na exemplaryong taon ng rehiyonal na sinema, ang naging demokratisasyong tunguhin ng indie cinema bukod pa sa pagpasok ng pinakamaraming bilang ng kababaihang filmmakers sa kasaysayan ng pelikula sa bansa, mga seryosong representasyon ng isyung LGBTQIA+, at ang pagdumog ng kabataang filmmakers bilang mas nakararaming tinig sa hanay ng filmmakers sa industriya.
Sa katunayan, isang importante ang pangunahing pelikulang Cagayano na Cleaners ni Glenn Barit ang may dulot ng bagong impetus sa formasyon ng isa na namang sentro ng rehiyonal sinema bilang pivot ng nabubuong pambansang sinema. Natatangi ang Cleaners sa ilang mga larangan. Una, ang binibigyan-representasyon nito ay isang subalternong mundo ng mga kabataang estudyante sa Tuguegarao bilang melting pot ng iba’t ibang etnisidad, uri at kultura ng norte. Nagawa ito sa pamamagitan ng isang magaan o tongue in cheek na bordering sa farcical na paraan na may talas sa komentaryong panlipunan.
Halimbawa, ang propensidad ng sistemang edukasyon na sapilitang pagdiriwang ng mga komemorasyon: buwan ng wika, nutrition month, at prom. Sa yugto ng “Nutrition Month,” ang toilet humor na sinapit ng umaaltang babaeng estudyante ay nagdulot ng mayamang pataba na nagpaangat sa kanyang tanim na magiging batayan ng kanyang grado. Nailulugar ang umaastang mataas na may puso at pag-unawa sa ganitong sinapit at pagkauntog. Sa yugtong “Buwan ng Wika,” ang feminsadong emo na punk group at ang eager chubby na babae ay magme-meld sa isang hybrid na presentasyon ng emong tinikling. Over-the-top ang treatment sa isang rekurso para ang magkakaibang pinanggagalingan at pinagdadaanang binubura ng sistemang edukasyon ay mag-work kahit sa pelikula man lang.
Ikalawa, ang gamit ng natatanging stilong pampelikula na ang mga eksena at kabuuang pelikula ay binubuo ng xerox na larawan na isa-isang kinukulayan. Ang resulta ng sinematograpiya na ito ay isang retro look-and-feel ng pelikula sa edad ng digital na teknolohiya at ang paglampas sa xerox na kultura maliban na lang ang pag-ako ng subkultural na identidad sa xerox art at zines sa sinaunang teknolohiya na ito. Bagamat may colored xerox, sa tantos ng di pantay na pagkaunlad ng teknolohiya at akses dito, ang default pa rin ay ang affordable na black-and-white na xerox. Hindi ito black-and-white photo na historikal at highly referential at notalgic ang dating, ang dating ng xerox ay pagiging madiskarte, wais at making do sa little given resources.
Ikatlo, may universalidad na sinasambit ang maliit at subalternong kabataang pelikulang Cagayano—ang pakikibaka para makaakibat ang magkakaibang estudyante at kabataan sa delubyo ng homogenisasyon ng edukasyon, pamilya, sexualidad, pamahalaan, pagkamamamayan at lipunan, at ang aspirasyong malalampasan ang mga ito sa pang-araw-araw, sa pagtatapos ng bawat school year, at kung papalarin sa pagtatapos ng senior high school. Bagamat may partikularidad ang mga eksena sa sentimiento, wika, tagpuan sa Tuguegarao at Cagayan, tulad ng CD culture ng skaters, maaninag ang unibersal na apila ng layering ng mensahe sa mga eksena at sa pelikula: paaralang may class distinction pa rin sa classrooms, mala-Romeo and Juliet na pag-ibig ng dalawang kabataang magkaiba ang mundo, ang di natapos na higanteng tulay sa highway, at ang required na the kids-are-rebelling and the kids-are-alright na epilogo. Sinasambulat ng Cleaners ang partikular na pelikulang Cagayano bilang emblematiko sa kabataang kondisyon at aspirasyon sa pambansa at global na antas.
Feel good na kabataang pelikula mula sa Cagayan Valley ang Cleaners. Ang isa pang hybridity na matagumpay na tinangka nito ay ang pagsasanib ng mga film genres. Komiko ang treatment sa gaan ng trato sa kabigatan ng buhay ng pagiging kabataang hinuhulma sa gahum ng panuntunan ng identidad. Sino ang hindi matatawa na kahit toilet humor ang trato sa pagpapalago ng itinanim na papaya bilang proyekto ay nailugar at naigpawan ng umaaltang babae ang kanyang sariling predikamento para sa higit na pagtanggap sa sarili at kapwa? O ang pagsasanib ng tinikling at emo na presentasyon na deadpan ang mga mukha at moves ng mga nakabarong na kabataang lalake? At bukod sa xerox na sinematograpiya para sa look-and-feel, musikal din ang naghahabi ng mga eksena sa pelikula. Ito ay nandoon sa dance presentations para sa Nutrition Month at Buwan ng Wika, mga pinaghalong katutubo-inspired, emo at punk, folk at kung ano-ano pang klaseng musika na naglulugar sa kwento sa partikularidad ng panahon na sinasambit nito. Ito ay musikal dahil ito ay musika ng partikular na henerasyon sa isang partikular na panahon at sa isang partikular na lokasyon.
At para sa akin, ang gaang dinudulot ng treatment sa pinaghahalong look at genres ay nagreresulta sa trahedya—na the kids are not alright, the kids are not rebelling, the kids will be coopted by the status quo, the kids will think and act like adults and under the authority. Iyong epilogo na eksena na masayang nagwawala at nagdiriwang ang mga kabataan sa pagtatapos ng akademikong taon ay isang fantasya lamang. Ang hindi sinasabing katotohanan ay hindi magaganap ang gayon, bagkus sinasaad ng ending ang pagtatapos ng era ng pagiging kabataan at pagsisimula sa era ng pagiging adults, at higit na pag-alinsunod sa gahum at kapangyarihan. Hindi ba ito ang pinakamalaking trahedya, ang hindi mabadya ang panganib at peligro na walang pagbabago maliban sa transformasyon para maging automatons sa ilalim ng naghaharing sistema?
At ito ang deception sa gaan, tongue in cheek, toilet humor, uppity feel ng Cleaners, parang walang sinasabi dahil ang trato ay ang imahinasyon ng pagpupursigi at tagumpay para higit na pagkakilanlan ng mga tao sa sarili at kapwa. Pero ang kapangyarihan ng pelikula ay ang lalim ng tagos ng punyal nito, ito ang kanyang panlipunang komentaryo at pesimismo na nagpapaalaala sa akin sa anekdota ni Neil Simon na dula Gingerbread Lady (1970 na naging pelikula Only When I Laugh, 1981). May isang kawal na nakabantay pa rin sa kanyang pwesto. Duguan ito dahil may nakatarak na sibat sa kanyang tagiliran. Tinanong siya ng dumaraan kung hindi ba niya nararamdaman ang nakatarak na sibat sa kanyang tagiliran. Ang sagot ng kawal, “pag tumatawa lang ako.”
Sa mapagnilay, mapait at masakit na pagngiti at halakhak tungkol sa ating sarili, lipunan at pamayanan, tungkol sa ating pinagdadaanan at nawawalang kabataan, ito ang hapis at tuwang ambag ng Cleaners.
CLEANERS (2019) Direction and Screenplay: Glenn Barit. Editing: Noah Loyola and Che Tagyamon. Production Design: Alvin Francisco. Cinematography: Steven Paul Evangelio. Sound: John Michael Perez, Daryl Libongco etal. Music: Glenn Barit. Producer: Dambuhala Productions and Quezon City Film Development Commission. Running Time: 78 mins.
Back to MPP Reviews